Ang pinaka gusto ko rito ay hindi lang ito puro Tagalog, kundi may halong English din, kaya mas masaya, mas madaling basahin, at mas madaling maintindihan ang bawat mensahe.
Sa unang mga pahina pa lang, makakakita ka na ng iba't ibang sitwasyon sa buhay tulad ng pag-aalala, stress, inggit, o kawalan ng pasensya. May mga inirerekomendang talata sa Biblia para sa bawat sitwasyon upang gabayan at palakasin ka.